MAKING THE BIBLE KNOWN

PBS Your Scripture Source Since 1899.
VISIT OUR SOCIAL MEDIA SITES

Patuloy na Biyahe, Patuloy na Misyon

Patuloy ang paglalakbay ng Word Riders Philippines (WRP) ngayong taon, katuwang ang Philippine Bible Society (PBS) at The Generics Pharmacy (TGP), upang maghatid at mamahagi ng Salita ng Diyos sa mga kabataang Pilipino. Sa bawat Bible Ride, dala nila ang hangaring mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makilala ang Diyos at higit na maunawaan ang Kanyang Salita. 

Noong Hunyo 24–27, 2026, nagtungo ang Word Riders sa Sagñay, Camarines Sur, Bicol, upang maghatid ng mga kopya ng Biblia at iba pang Scripture materials sa limang paaralan: Jose T. Fuentebella National High School, Mabca National High School, Sibaguan Agro-Industrial High School, Nato National High School, at Turague National High School.

Para sa Bible Ride na ito, mahigit tig-2,000 kopya ng Karunungan for Life booklet at New Testament (Pinoy Version) TGP Edition ang inilaan para sa mga mag-aaral na nasa Grade 8 at Grade 9. Ang layunin sa pamamahaging ito ay hikayatin ang mga kabataan na basahin at unawain ang Biblia at magkaroon ng pagkakataong maisabuhay ang mga aral nito.

Binigyang-diin ni Ms. Mary Jane P. Bonggalonta, School Head ng Sibaguan Agro-Industrial High School, ang kahalagahan ng mga ganitong materials sa paghubog ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya, hindi lamang pagpapaunlad ng kaalaman sa iba’t ibang subjects ang tungkulin ng isang paaralan, kundi pati ang paghubog sa kabuuang pagkatao ng mga mag-aaral. Naniniwala siyang makatutulong ang mga ipinamahaging Scripture materials sa kanilang paglinang ng espirituwal na aspeto ng mga kabataan.

Sa pananaw naman ni Ynah Doniem A. Carser, estudyante mula sa Nato National High School, mahalaga ang ginagampanang papel ng Biblia bilang gabay sa kaniyang pagdedesisyon:

“For me po, ang pagbabasa po ng Bible is a way po para po makipag-communicate po kay God at para din po mas matutunan po ang mga Salita Niya at maging gabay ko po ito na gumawa po ng tama.”

Nagpasalamat din si Mr.Edmundo Chavez, Teacher at Officer-in-Charge ng Nato National High School, sa mga riders na naglaan ng panahon upang maihatid ang mga Biblia sa kanilang paaralan. Para sa kanya, malaking tulong ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makatanggap ng sariling kopya ng Biblia. Partikular niyang pinahalagahan na hindi lamang pamamahagi ang isinagawa ng grupo, kundi pati ang pagtuturo sa mga kabataan kung paano basahin at unawain ang nilalaman nito.

“Kakaiba po itong pamimigay kasi hindi lang po ninyo ibinigay yung Bible. At the same time po ay, tinuruan niyo rin yung mga bata kung paano basahin at unawain yung mga nilalaman.”

Kasabay ng kanyang pasasalamat, ipinahayag din niya ang pag-asang makarating Word Riders sa iba pang malalayong lugar na nangangailangan din ng Salita ng Diyos.

Makalipas ang halos apat na buwan, nagpatuloy ang paglalakbay ng Word Riders sa Laguna. Noong Oktubre 20, 2026, muling nagtulungan ang WRP, PBS, at TGP, para sa isang Bible Ride sa Plaridel Integrated National High School sa Nagcarlan, Laguna.

Kabilang sa mga student recipients ang 37 mag-aaral mula sa Grade 7, 989 mula sa Grade 8 at Grade 9, at 37 mula sa Grade 12, na may kabuuang 1,063 mag-aaral.

Para sa nasabing Bible Ride, naghanda ang grupo ng 1,200 kopya ng New Testament (Pinoy Version) TGP Edition, 1,200 kopya ng Karunungan for Life booklet, at 2,000 kopya ng How Should I Read My Bible? 

Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng Word Riders Philippines, Philippine Bible Society, at The Generics Pharmacy, naipagpapatuloy ang misyong magbigay ng pagkakataon sa mas maraming kabataang Pilipino na magkaroon ng access sa Salita ng Diyos.

Mula sa mga paaralan sa Bicol hanggang sa Laguna, nananatiling iisa ang layunin ng bawat Bible Ride: ang maihatid ang Salita ng Diyos sa mga kabataan at mahikayat silang basahin, unawain, at isabuhay ang mga aral nito.

Hindi pa rito nagtatapos ang paglalakbay, dahil ang susunod na Bible Ride ay nakatakdang isagawa sa Bolinao, Pangasinan, sa Nobyembre 3–5, 2026, bilang pagpapatuloy ng kanilang misyon na maihatid ang Salita ng Diyos sa mas marami pang kabataang Pilipino.

Facebook
X
LinkedIn

Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!