MAKING THE BIBLE KNOWN

PBS Your Scripture Source Since 1899.
VISIT OUR SOCIAL MEDIA SITES

National Bible Month na! 📖

National Bible Month na! 📖

Napakahalaga ng ating pagbabasa ng Salita ng Diyos—nalalaman natin ang kalooban niya, at lumalalim pa ang pagkilala natin sa kanya oras na pag-aralan natin ang Biblia!

 

Noong nakaraang Nobyembre at Disyembre, naganap ang dalawang Bible Relevance in Modern Times Seminar (BRIMS) kasama si Pastor Noli Mendoza sa 3rd floor Ministry Center ng Philippine Bible Society. Isa na rito ang “The Songs of the First Christmas: Hymns of Hope and Reversal in Luke 1 and 2,” kung saan ipinaliwanag ni Pastor Noli ang paglapit ni Jesus sa mga mahihirap at sa mga naiwan sa laylayan ng lipunan. Ang isa naman ay ang “Immanuel: Encountering God’s Presence Through Matthew’s Gospel,” na tungkol sa pagkakatawang-tao ni Jesus at kung paano lumapit sa atin ang Diyos sa gitna ng mga pinagdaraanan natin sa buhay.

 

Ibinahagi ni Ms. Anna, isa sa mga dumalo sa pangalawang seminar, kung paano siya natulungan ng seminar sa gitna ng isang personal na pagsubok:

 

“Kanina, doon lang sa restoration, isa lang ang ibig sabihin nun—dumating si Jesus sa New Testament para mag-restore. So, ’yun lang po yung pinangkahawakan ko ngayon. Ang sabi lang sa’kin ni Lord, ‘Anak, nauna na ako sa sitwasyon.’ Kasi kagabi ang prayer ko, ‘Lord, alam ko, kaya mo pinahintulot ‘to kasi may gagawin ka. Nauna ka na sa sitwasyon… Sinasabi lang sa akin ni Lord ngayon na kailangan, bilang Kristiyano, ma-magnify si Jesus sa buhay mo.”

 

Ngayong buwan, magkakaroon uli ng panibagong mga seminar kasama sina Pastor Mel Cartera at Pastor Noli Mendoza . Halina’t palalimin pa natin ang ating pag-unawa sa Salita ng Diyos!

Facebook
X
Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!