Sa mga bundok at dagat,
sa taas nito at alat,
ano nga bang mahahanap?
Isa ang Pilipinas sa may pinakamayamang saribuhay o pinaka-biodiverse na bansa sa buong mundo. Ibig sabihin, napakaraming klase ng mga hayop, halaman, at iba pang buháy na organismo ang matatagpuan dito sa ating bansa—mula sa mga nabubuhay sa tubig, mga lumilipad sa himpapawid, mga madalas nating makita sa lupa at mga mailap, maliliit o malalaki, hanggang sa mga organismong masisilip lang sa microscope!
Kaya sa gitna ng mga problemang pangkalikasan gaya ng habitat loss at overexploitation ng resources, sama-sama pa rin nating ipagdiwang ang mga likas na yamang bigay ng Diyos sa ating bayan, at alamin kung paano tayo pwedeng maging kabahagi sa pag-aalaga at pag-iingat nito.
Mag-register na sa Pagdiriwang ng Buhay: A Forum on Creation Care—isang special event kung saan makakasama natin sina Prof. Carmela P. Española at Ptr. Noli P. Mendoza upang matuto, makialam, at makibahagi sa pagdiriwang at pangangalaga ng ating kalikasan. June 30, 2025
1:00–5:00 PM
14th Floor, PBS Tower, United Nations Avenue, Ermita, Manila
FREE REGISTRATION: https://bit.ly/PBS_CreationCareForum