Wala pa mang isang buwan mula sa pinakahuling Bible distribution at ride sa Laguna noong Oktubre 20, muli na namang umarangkada ang Word Riders Philippines (WRP), katuwang ang Philippine Bible Society (PBS), upang muling maghatid ng mga kopya ng Salita ng Diyos sa mas maraming kabataang Pilipino.
Nitong Nobyembre 4, 2026, nagtungo ang grupo sa Bolinao, Pangasinan, upang mamahagi ng mga kopya ng New Testament (The Generics Pharmacy Edition) at iba pang Scripture materials sa dalawang paaralan—Bolinao Integrated School at Bolinao School of Fisheries.
Bago ang mismong Bible distribution, inimbitahan sila ni Mayor Jesus “Boying” F. Celeste upang personal na batiin at tanggapin sa munisipalidad sa kanilang pagdating noong Nobyembre 3.
Kinabukasan, itinuloy ng Word Riders ang kanilang misyon sa dalawang paaralan.
Sa Bolinao Integrated School, namahagi ang grupo ng tig-1,900 kopya ng New Testament (TGP Edition), Karunungan for Life booklet, at How Should I Read My Bible? guide. Kabilang sa mga pinaglaanan ng mga ito ang mga mag-aaral, guro, kawani, at mga kabilang sa Alternative Learning System (ALS) at Special Education (SPED). Naglaan din ng mga kopya para sa silid-aklatan ng paaralan.
Sa Bolinao School of Fisheries naman, 700 kopya ng New Testament at mga Scripture material ang inilaan para din sa buong paaralan.
Natatangi ang Bible Ride na ito dahil mas malawak ang naging saklaw ng Bible distribution. Hindi lamang mga mag-aaral na nasa Grade 8 at Grade 9 ang nagkaroon ng mga kopya, kundi buong paaralan. Sa ganitong paraan, mas marami ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng sariling mga Bible.
Sa kabuuan, 2,600 kopya ng New Testament ang ipinamahagi at hindi lamang ito basta iniabot, kundi nagturo din ang Word Riders sa mga estudyante at guro kung paano ito babasahin.
Sa pagtutulungan ng Word Riders Philippines (WRP) at Philippine Bible Society (PBS), dalangin nating mas marami pang kabataan at Pilipino ang mabago ng Salita ng Diyos at magkaroon ng pag-asa sa kabila ng kanilang mga pagsubok na hinaharap.
Patuloy ang biyahe. Patuloy ang misyon!
Click an image to enlarge it.

Stay connected with us—subscribe now to get the latest news and updates from the Philippine Bible Society.
Privacy Policy | © 2026 All Rights Reserved
Leave a Reply