Mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, nagtipon ang labing-walong rider noong Marso 3, at sabay-sabay na nagtungo sa Batangas Port upang tumawid ng dagat papunta sa Abra de Ilog. Sakay ng roro, mahigit dalawang oras ang naging paglalayag—bitbit hindi lamang ang kanilang mga motorsiklo, kundi ang layuning maihatid ang Salita ng Diyos sa mga kabataan.
Dito, nagkaisa ang Word Riders at mga lingkod ng Diyos sa iisang layunin: ang maipakilala ang Panginoon sa mga kabataan at maihatid sa kanila ang Kanyang Salita. Nag-volunteer ang ilan sa mga pastor na naroon, upang tumulong sa misyon at pamamahagi ng Biblia kinabukasan.
Bago tuluyang umingay ang balita tungkol sa pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa, tinahak na ng Word Riders Philippines kasama ang Philippine Bible Society noong Marso 3-4, 2026, ang daan patungo sa isang liblib na munisipalidad sa Occidental Mindoro—ang Abra de Ilog.
Pagdating sa Abra de Ilog Port, agad silang tumuloy sa Ministry of Christ the True Vine (MCTV) Church, na nagdaraos ng kanilang One Body Fellowship noong araw na iyon—isang buwanang pagtitipon ng mga pastor mula sa iba’t ibang simbahan sa munisipalidad.
Bago tuluyang matapos ang araw, nagpulong ang Word Riders para sa strategic na pagtuturo tungkol sa Biblia kasama ang mga volunteer. Naghanda sila hindi lamang para sa pamamahagi ng Salita ng Diyos, kundi para sa mas malalim na pag-unawa ng mga estudyanteng tatanggap nito.
Kinabukasan, Marso 4, nagtungo na ang grupo sa Abra de Ilog National High School at Senior High School upang mamahagi ng libreng kopya ng Biblia.
“It’s really beneficial sa aming mga estudyante… Nakakatuwa kasi dumating ang grupo na ito dito sa amin, sa mga bata, to have a little interaction with them [at] para ma-orient sila o mabigyan ng information about the Bible.”
— Julieta Cabigao, Master Teacher I
Sa kabuuan, 1,200 kopya ng New Testament ang naipamigay sa mga mag-aaral mula Baitang 9 hanggang 12.
“Naramdaman po namin yung excitement at saya na marinig ang Word of God… Nagbigay po sila ng mensahe na galing sa Panginoon na nagdulot sa amin ng kasiyahan…”
— Nicole, Senior High School student
Kaya naman sa panahong patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina—isang hamon lalo na sa mga naglalakbay—nawa ay hindi ito maging hadlang sa Word Riders Philippines upang ipagpatuloy ang kanilang misyon.
Nakalatag na ang mga susunod pang Bible Ride ng grupo ngayong taon, at dalangin nila na ang bawat Bibliang maipamamahagi pa ay magiging binhi ng pag-asa na tutubo sa puso ng mga kabataan, at gagabay sa kanila sa kanilang buhay at pananampalataya.
Pagkatapos ng pamamahagi ng Biblia at maikling pakikipag-usap sa mga estudyante, naghanda nang muli ang Word Riders upang sumakay sa roro at tumawid ng dagat pabalik sa Batangas Port. Dala nila hindi lamang ang pagod ng biyahe, kundi ang kagalakan ng misyon na naisakatuparan.
Sa halip, lalo nitong pagtibayin ang kanilang layunin: na anuman ang gastos o layo, ang Salita ng Diyos ay dapat makarating sa mga lugar at pusong nangangailangan nito.

Leave a Reply