Coming up: New Testament in Pinoy Version
April 6, 2018
Have you ever heard or read a Bible verse that sounds like a conversation with your next-door neighbor or the jeepney drivers you encounter everyday? If you haven’t, you will soon get to read the New Testament in a familiar tone! Readers, get ready for the Pinoy Version.
Check out this sample passage from Galatians:
The first of its kind in the Philippines, this unique contemporary version uses the modern Filipino language variety that is commonly used by the younger generation. According to PBS’s Translation Consultant Dr. Anicia del Corro, “To capture the way the contemporary Filipino speaks, especially among the youth, this Pinoy Version is made available as an alternative version.”
Dr. Del Corro was a United Bible Societies (UBS) Translation Consultant for 23 years before joining PBS, and has worked on several foreign Bible translation projects in countries like Pakistan, Thailand, and Micronesia. Locally, she was involved in translations such as the Pampango Popular Version and Standard Waray New Testament Revision. Her experience as a linguist has equipped her with deeper perspective of how language is being used today. She especially values how the Pinoy version fits today’s Bible readers.
Dr. Del Corro says, “There is a new variety of the Filipino language that is emerging, and is used by the young urbanite, usually educated, and very much a user of the Internet. But this language is easy to use, simple, and nevertheless communicative.”
The target audience—that is, people in their teens to early thirties who are reading the Bible for the first time—will find the version easy to read. However modern in its form, even sounding informal to most readers, the Pinoy Version is a faithful translation employing the method of dynamic equivalence, also used in other meaning-based translations such as the Magandang Balita Biblia (MBB), Good News Translation (GNT), and Contemporary English Version (CEV).
Since the project was initiated in 2008, the Gospel of Mark and Paul’s Letter to the Galatians have been available as Scripture portions of the Pinoy Version. The whole New Testament in Pinoy Version will be released in 2018.
Members of the New Testament (NT) translation team attest that the project was accomplished with extreme caution and with reverence for God’s Word. “We had our audience in mind as we did the translation—their level of understanding, range of experiences, and specific words they use in conversations,” says Hazel Crizaldo, one of the translators. “We considered everything to get the meaning of the verses: exegesis, grammar, and others. It’s really a technical job. We did our work seriously.”
The rest of the Pinoy NT agreed from their own experiences. Pastor Alvin Molito commented: “Although it’s not the traditional Bible that we read, God’s Word has impact and power once understood by its readers.” Hopeful remarks came from Cristhine Ibasco, who said: “We usually read the Bible when we are going through difficulty. Because the language of the Pinoy Version relates to the younger people, it will help them understand Bible passages just by plainly reading.”
As though to echo the PBS ethos as a whole, translator Jasmin Crismo said: “I’m excited to be able to hand someone a Bible and say, ‘You can relate to this. You don’t have to be alienated or lost in difficult words or phrases anymore.’”
86 Comments
ang sagwa wag nyo pong babuying ang Bible please lan
I know it is your right to say what you want, but this time, have you tried to listen to yourself
God bless you po if you’re able to read and appreciate the bible in the older Tagalog (or any other “more intelligent”) versions. but clearly hindi kayo ang intended audience ng version na ito. when judgment day comes, God won’t be interested on what translation of the bible one has read. His only question will be if one has accepted Christ as his/her personal Savior and whether that acceptance is evident in his/her life di po ba? 🙂
Magkano ang Pinoy Bible at ito ba’y luma at ang bagong tipan?
Bilang karagdagan po sa tanong ko mayroon po ba kayo ng KOMENTARYO NG LUMA AT NG BAGONG TIPAN NG Biblia?
oo nga! sana meron din!
Your ultimate companion to completing the Holy Scriptures in one year is now available on our website! Download your 2019 Catholic Daily Bible Reading Guide – http://www.bible.org.ph/wp-content/uploads/2018/10/RCDBRG-2019_MTBO_Blackonly_CRC.pdf
Thank you very much for this article, it gives much relief that sacrifices were worth it. I hope this PV will reach many youth in the Philippines and those abroad. God bless you all.
Sa inaakala n’yong sa ganyang paraan mas mauunawaan ng mga kabataan ang Salita ng Diyos.. Nilalagyan n’yo ng limitasyon ang kayang gawin ng Diyos sa buhay n’yo at sa buhay nila. Kabataan din ako, kung gusto n’yong maunawaan nila ang Salita ng Diyos, ipanalangin n’yu nlng sila na maranasan nila ang Banal na Espiritu at ang Panginoon na ang magpapaunawa sa kanila. Paalala ko lang po SALITA po ng DIYOS yan. Lalo nyu lang pong ginugulo ang isipan ng mga kabataan.. hindi po ako galit, nagpapaalala lang.. pakibasa nalang din po yung proverbs 27:5.. God Bless po..
God bless you po for desiring to pursue God thru prayer and thru the help of the Holy Spirit 🙂 But clearly this translation is meant for a different audience. Those who have yet to meet or learn about God in a way that would make sense to them. Indeed God is all-powerful, His might has no limits. He can use even a translation such as this to reach out to those who need Him 🙂
So, ano po ito, parang “The Message” pero Tagalog (or should I say, Taglish)?
To be honest, nang makita ko po yung sample text ninyo, medyo na-cringe na po ako habang binabasa, sorry for the remark pero iyon po talaga impression ko sa translation (or should I say, paraphrase) ng version na ito.
Anyway, na-imagine ko na rin na, “Paano kaya kung magkaroon ng mala-The Message na Tagalog paraphrase Bible”? Gusto ko po talaga makakita ng isa, and somehow, natuwa naman po ako nang malaman ko na may ganito pala po kayong project. I hope na ma-polish pa po itong translation na ito bago ang release nito, para maging tunay na engaging and ministering sa contemporary Pinoy readers yet without or less the “cringy” feel.
Above all else may God bless you and may the Holy Spirit empower and inspire you more on your ministry and this project for Pinoy Version.
Kung babasahin ko po itong comment mo, Taglish din ang pagkakasulat mo pero hindi ako nag-cringe. Nung nabasa ko yung excerpt ng version na ito ay hindi rin ako nag-cringe. Mas naka-relate pa nga ako, pero kailangan ko pa rin ng guide ng Holy Spirit para lubos kong maunawaan yung message na mababasa ko at ipamuhay ang aral ng Panginoon sa Christian life ko. Meron akong Ang Biblia at may English na King James Version din, at least mako-cross-check ko kung pareho ba sa sense nun ang Pinoy Version o hindi. Ginagamit din ito ng isang pastor sa church namin at nakikinig yung mga kabataan sa service. Yung work ng Panginoon nakikita talaga sa kanila.
The Philippine Bible Society has successfully CHEAPENED the Bible (not to mention the Tagálog language). Kudos!
The Word of God has not been cheapened by this version as it has not distorted His original message of salvation, faith, and living the Christian way. Since you clearly have prior reading of the more traditional translations then this version might not speak to your heart and your faith. But with this translation He can reach out to those people who avoid His Word because they could not understand them, those who also need Him in their life.
saan po makakabili ng copy. thanks
nakakalungkot… hindi naaakma sa tunay emphasis sa aramaic, Hebrew and Greek… ang wording niya parang nawala ang HOLINESS NG DIOS…LALO NA SA PANGINOONG JESUS na may dala ng TUNAY na mensahe…
nakakalungkot… hindi naakma sa tunay na diin sa arameik, hebreo, at griyego… ang paggamit ng salita niya parang nawala ang kabanalan ng Diyos… lalo na sa panginoong Hesus na may dala ng tunay na mensahe……………………kung makabatikos ka eh akalamo purong tagalog yung mga pinaggagamit mong mga salita…
😀
o ano di ka makasagot kasi na realize mo na ikaw din ay taglish magsalita
kung makatulong po ito sa mas nakararami na mas maunawaan at tangapin ang Salita ng Diyos, ang katotohanan ng Diyos, ang kaligtasang mula sa Diyos, kasiraan po ba yun sa kabanalan ng Diyos? hindi po ba’t mas ikalulualhati Niya ito?
wala pong kahit na anong makapagpapabago o makakabawas o makakasira sa kabanalan ng Panginoon. ang kabanalan ng Panginoon ay hindi nakasalalay sa kahit na ano. ang Diyos ay banal ay magpakailanman
(but yes, your use of the word “parang” is clever indeed, and perhaps the operative word in your whole comment)
Ang ganito pong klaseng aklat ay magandang sandata para sirain ang ating pambansang wika-Tagalog. Hindi po dapat itong ikumpara o pangalanang aklat sa Biblia kundi sa komiks lang dahil mawawalan ng alam sa wikang tagalog ang ating mga kabataan habang nagbabasa ng materyales na ito. Mawawalan din ng kabuluhan ang mga hirap at pagod ng mga Filipino teachers natin sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Make sure na ang mga tagalog na ginagamit natin saan mang aklat ay matatagpuan sa pinaka latest na diksyunaryong tagalog. Salamat po!
Magandang Araw Po
May punto po kayo. Ngunit ang layunin po ng bibliyang ito ay hindi itaguyod ang wikang Filipino. Ang layunin po ng bibliyang ito ay maipalaganap ang Salita ng Diyos, ang maipaabot ito sa mga kabataan o taong walang pasensya magbasa at umintindi ng malalim na Tagalog. Ang problemang nais solusyonan ng bibliyang ito ay hindi ang kakulangan ng kaalaman sa wikang Filipino kundi ang kakulangan ng kaalaman at interes sa bibliya. Kung puro, sagrado at matalinhagang bersyon po ng bibliya ang hanap, napakarami pong salin na pwede pagpilian (https://en.wikipedia.org/wiki/Bible_translations_into_the_languages_of_the_Philippines) 🙂
Thank you very much for this refreshing and necessary work.
Many times while hearing archaic language during Mass, I have wondered whether people actually understand what is being said. When the manner in which the Word of God is presented interferes with its reception, then calibrating it to be better understood by its audience is a welcome act of faith.
Those who protest this change may simply not be the audience that the authors had in mind. Or perhaps they forget that the Bible used to be exclusively written in Latin, and only in the last century was translated to the local vernacular of different nations to be better understood by the respective natives? Language is every dynamic and must therefore change to respond to the changing needs of the times. 🙂
Ayos na translation to! Wag nyo po masyado pansinin mga nagrereklamo, madali talaga magreklamo pag wala naman ginagawa at malamang taglish din naman sila magsalita sa bahay… -_-.
It reflects the current trends sa language natin (taglish), at sa tingin ko swak sa mas maraming tao! Can’t wait for this translation, I hope maging available sya online or via App.
May God bless you for your work kingdom work PBS 🙂
Madali syang intindihin. Makaka-relate ang mga Jologs……
Sa bagay, namatay din si Jesus para sa mga jologs. No Pun Intended.
This is a perfect translation for the modern Filipino. People’s negative reaction is due to misunderstanding about the Bible. We should treat translation as translation. Translation is meant to transmit to the reader the intended meaning of the truth to the reader. When the Bible says not to add or subtract, it is referring to the original manuscript so that people will not change, add or subtract to the truth contained in it. If you want un-changed or original you should learn to read hebrew and greek. If you want to study, use different translations cause it will help you understand the intended meaning.
Hi! When my friend posted this on FB, I was actually excited. But when I saw the content of how you translate the bible (not pure tagalog, but in taglish), I feel sad about it. Why? If you will read 2 Timothy 3:16-17 it says there that… “All Scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness, that the man of God may be complete, thoroughly equipped for every good work.”. My question now is, how can we teach and equip our people in the church if the kind of translation that you will release is far from the original manuscript? Did you know that some of the early bible versions already are far from the original Hebrew manuscript? Then why you are doing the same? I hope that you will consider my comment for the sake of bringing the truth of God’s word to the lost souls!
use other translation. TAPOS
Yes! I agree. The Bible is always accurate. But others translate it in the way they want it to serve them. Now, that we have this new translation to cater the needs of our millennials, nothing wrong about it. Ako, as a Christian educator, sometimes when I teach, yung Bible original words hinahanapan ko ng mas angkop na words sa millennials and the learners are happy na nakakapasok ako sa mundo nila.
I trust that the board of PBS are smart enough to approve the team of translators into millennial terms.
Sa panahon ngayon dapat broad minded tau to reach out the next generation.
Congratulations PBS Board, Ma’am Nora and the Holy Spirit inspired translation.
More power for God’s glory.
Hello po!
Please, don’t underestimate the team of translators. I believe that the new transmission took time to edit, revise until it was approved, printed and released.
Tayong mga oldies sa church, aminin natin na legalistic tau and have a “holy than thou” attitude.
BPS is not just BPS. It is a respected and trusted organization. They have theologians who are helping and guiding them in different Bible translation.
More power in your ministry Ma’am Nora!
I stand corrected…
…new translation not transmission
…PBS not BPS
Well, okay sana na may mas mababaw na translation, hindi ko pa nabasa ng buo itong translation na ito pero napansin ko lang na ang pagka gamit ng salin na ito sa salitang “let him be accursed” ay hindi tugma sa talagang pakahulugan ng isang verse. Halimbawang sasabihin ko sa aking kapwa ” Parusahan ka SANA ng Diyos sa pag preach mo ng maling gospel”
Hindi po kalooban ng Diyos na humiling tayo na mapahamak ang ating kapwa, tama po ba?
It could have been translated better like “karapat-dapat ka lamang na sumpain sa pamamahagi mo ng maling ebanghelyo” nagmamatter pa din po kasi yung thought
-kasi if with this statement we will be asking, is it true? is it loving? Does it reflect the character if Christ? I dont think sasabihin ni Jesus sa atin yan that way….
2 Timothy 3:16-17 – “All Scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness, that the man of God may be complete, thoroughly equipped for every good work.”
THANK YOU PHILIPPINE BIBLE SOCIETY AND THE TRANSLATORS OF THIS BIBLE! Wag nyo pong pansinin ang sinasabi ng ibang tao. Maganda po yang ginagawa niyo kasi dahil jan ay lahat ng Pilipno ay kaya ng maintindihan ang salita ng Diyos. Mga magsasaka, tubero, tricycle driver, janitor, yaya, at marami pang Pilipno ang madaling makakalapit sa salita ng Diyos dahil wala nang sagabal na mga sinaunang salita na hindi na ginagamit ng mga Pilipno ngayon. God bless you!
At sa mga nagcomment na ayaw tong bible na to: pansinin nyo nga ang comment nyo. Taglish din kayo magsalita. Taglish ang ginagamit nyo sa pang-araw araw na paguusap. Hindi ba pwedeng marinig ang salita ng Diyos ng normal? Ang Diyos ang lumikha ng language! Alam niya na magdedevelop ito over time. Si Jesus, Aramaic ang salita niya. Yun ung language ng mga tao sa paligid niya! Hindi Hebrew! Hindi Greek! Kaya tama lang na ginagawa tong bible na to na nasa normal na language ng Pilipno. Kapag pinagpatuloy niyo pa ang ginagawa niyo ay sumasagabal kayo sa gawain ng Diyos! Tinutulungan niyo si Satanas na pigilan ang pagspread ng Gospel sa buong mundo! Maintindihan niyo sana ang sinasabi ko.
Sa mga translators, maraming salamat po! Ipagpatuloy niyo po iyan hanggan matapos ang buong bibliya. Amen!
Naku po ako po ang na shocks sa pag translate nyo sa bible. di po basta basta ang pag translate ng bible. kung wala po ka ung gabay ng holy spirit kahit gaano po kau katalino di nyo ma isasaling ng mayus ang bible. salita po ng diyos yan. pag naiba yan at wala na sa tamang content o sinsabi malilihis na po ang mag babasa ng bible na natranslate nyo. mag isip po muna at humingi ng gabay ng may kapal bago gumawa ng mga gawaing may ibang kalalabasan pag natapos.
bakit po may pre-conceived notion na binasta-basta ang bagong pagsalin na ito? bakit po may presumption na walang gabay ng Holy Spirit? nabasa nio na po ba yung buong translation at naikumpara sa orihinal na Griyego?
Sa aking pagtingin, ang tanging silbi ng Pinoy Version ng Bibliyang ito ay para lamang sa “basic context familiarization”. Tama sila, ang target audience nito ay mga millenials lamang na maaring unang beses pa lang makakarinig ng mga nakasulat sa Bibliya. Pero hindi ito magagamit ng epektikbo sa seryosong pagtuturo sa iglesya or kahit sa paghahanda ng mensahe.
Sa mga Kristiyanong gagamit nito para sa ganitong dahilan, tiyakin lamang po ninyo na matapos nilang matutunan ang mga nilalaman ng Bibliya, paki-akayin po ninyo sila sa normal na nakaugaliang basahing versions ng Bible, at turuan sila ng “hermeneutical principles” para makita nila ang mga orihinal na “Hebrew at Greek words & texts” at ang kahulugan ng mga iyon.
Kung sa akin lamang, hindi ko maiimungkahi sa iba na gamitin ang salin na ito ng Pinoy Version.
Ngunit kelangan din gawing madaling maunawaan ang Salita ng Diyos para sa bagong henerasyon. Ang Banal na Espiritu lamang ang may kapangyarihan na magbigay ng buong talino at karunungan na maunawaan ng tao ang Salita ng Diyos. Itaas natin ang antas ng kaunawaan ng mga kababayan ng naaayon sa pamantayan ng Diyos, hindi ng tao.
May tamang balanse para sa lahat ng bagay. Sa tingin ko, ang bersyon na ito ay mas mababa sa inaaasahan.
Dynamic equivalence gone extreme, I would honestly say.
So true. Thanks.
Sumasangayon po ako sa inyo Yokefellow.
Best comment so far
Iginagalang ko po ang opinyon mo pero hindi ako sang ayon na mas mababa ang version na ito. Nasabi mo po yan kasi nakapagbasa ka na ng ibang salin kaya may reference for comparison ka na. Sa mga tulad nating nakapagbasa na ng ibang old-language translation, may awkwardness talagang mararamdaman dahil hindi ito yung nakasanayan. Kaya po sa mga taong nakapagbasa na ng traditional translations ito ay suggested as an alternative version. Pero sa mga never pang nakapagbasa ng Biblia at namumuhay sa panahong ito, magandang introduction ito ng Salita ng Panginoon sa kanila. Mas relatable at engaging kapag nakasulat sa translation na nauunawaan nila.
At yung tungkol sa pag-akay sa kanila patungo sa mga traditional translations ng Biblia, yun po at tinatawag na cross-referencing. Kung tayo po na nasanay sa nakaugaliang salin ay pwedeng mag cross-reference sa Pinoy Version, pwedeng pwede rin silang mag cross-reference between Pinoy Version and other translations at hindi magbabago ang mensahe ng Panginoon at ang pangangailan natin na ipamuhay ito at ibahagi sa iba.
Most people have been used to thinking of two competing meta-narratives: the Christian one, which consists of the revelation of God in the Scriptures, and the humanistic, rationalistic one of science, evolution, and “progress”
This version of the Scriptures constructs its own “narrative”, or reality, depending on one’s own community of knowledge.
Kung sa opinyon mo po ang translation ay exact meaning ng version, iginagalang ko po ang opinyon mo kahit hindi ako sang-ayon. Pero ang sabihin mo po na gumawa ng own narrative ang version na ito ay hindi ako sang-ayon diyan. Hindi po kasi nag-iba ng kabuuang kahulugan ang Salita ng Diyos sa version na ito. Hindi po nagbago ang istorya at mensahe. Ito pa rin ang Salita ng Diyos na dapat kong ipamuhay bilang isang Kristiyano. At sisikapin kong isabuhay ang mga aral ng Panginoon.
Thanks for this new version . Im excited to have a copy of it and use it in oour bible study.
Thank you for the effort. I look foward to buying one. Why not make it available at Amazon?
@labjhoy
the translators TRANSLATED the bible to be understood better by the filipino millenials who clearly have difficulty understanding the word of God in its original text. TRANSLATED. Masyadong self righteous eh ano. Makasagwa ka dyan nagbabasa ka ba ng bibliya?
Sana instead na ginawa niyong konyo yung translation, pinalitan niyo nalang sana yung mga malalalim na salita na una ng nagamit sa mga tagalog translated Bible translations. Pareho lang ang magiging resulta; mas maiintindihan eto ng mga Pilipino, hindi pa ito magiging katawa tawang basahin.
Sa tutoo lang po mas maiintindihan ng mga simpleng mamamayang pilipino ang mga naunang tagalog na bersyon kasya po sa taglish,di lamang ito nabibigyang pansin ng karamihan. Dalawang bagay ang inaasahan ko, una ay kung maakit nga nito ang mas malaking bilang na magbabasa ng biblia at pangalawa ay kung maisapamuhay nila ang aral at salita ng Dios gaya ng nasusulat sa Hebreo 4:2
Sapagka’t tunay na tayo’y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni’t hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.
Ang Pahayag 22:18-19, ay naglalaman ng babala sa sinumang magbabago sa mga teksto ng aklat: “Akong si Juan ay nagbababala sa sinumang makarinig sa mga hulang nasasaad sa aklat na ito: Sa sinumang magdagdag sa nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito. At ang sinumang mag-alis ng anuman sa mga hulang nasasaad dito ay aalisan naman ng Diyos ng karapatan sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay at sa Banal na Lunsod na binabanggit dito.”
warning po yan ng Diyos dahil alam nya na mangyayari … at nang yari na. You have to please God not man.
Sa palagay ko Dennis, hindi nawala ang Theological Aspect sa pagsalin ng mga salita. The Bible is meant to read and study depending on how we understand it. It is considered as the Paraphrase Bible. Sana Dennis basahin at pag-aralan mo muna yung nilalaman ng salita bago ka magbitaw ng comment. And refrain using scriptures to drive your own opinion.
Yes! I agree. The Bible is always accurate. But others translate it in the way they want it to serve them. Now, that we have this new translation to cater the needs of our millennials, nothing wrong about it. Ako, as a Christian educator, sometimes when I teach, yung Bible original words hinahanapan ko ng mas angkop na words sa millennials and the learners are happy na nakakapasok ako sa mundo nila.
I trust that the board of PBS are smart enough to approve the team of translators into millennial terms.
Sa panahon ngayon dapat broad minded tau to reach out the next generation.
Congratulations PBS Board, Ma’am Nora and the Holy Spirit inspired translation.
More power for God’s glory.
Hmmm, pagsasalin ay iba po sa pagi-iba, Paano ba maiintindihan ng taga timog kung di naman nila naiintindihan ang salita sa hilaha. paano maiintindihan ng chino kung ang ito ay nakasalin sa Hapon.. Parang tulad sa King James Version, Since ang lalalim ng mga salitang ginagamit sa bibliya, ito’y naisalin sa New English Version at naging NIV para maintindihan ng karamihan sa mga tao. Ganun din dito sa Tagalog version, since ang Tagalog Bible ay gumagamit ng malalalim na salita kaya napagisipan na isalin ito sa Taglish para makasunod din ang mga millennials ganun din sa bisaya, Muslim, Chavacano at iba pang linguahe. Alamin natin na dami na pong lenguahe ang lumalabas at sa paraang ito tayo’y makakatulong para mabahagi natin ang salita ng Diyos.
Dennis, We’re just making thing more better for others to understand the bible, No context has change po. I am not a Theologian, but for me, this Bible is what I can recommend especially young people. Kaya di tayo umuunlad kasi panay tayo gumagawa ng lusot para gumusot. Dennis, Changing the context ay iba po sa pag salalin sa ibang wika. and Remember TAGLISH ay bagong Language.
ANung na shock ? di ba gay language yan ? ginawa niyo namang katatawanan ang bible.
hi PBS,
Last year, nagbigay ang church namin ng 2 days para pag-aralan ang “principle of translations”. Tungkol sa purpose, weakness and strength ng bawat translation. After nito, naging mas bukas ng isipan ng mga nakapakinig. Alam na namin kung bakit kailangan gamitin ang mga versions na may magkaibang paraan ng pagsasalin. Nang makita ko ang New Testament Pinoy Version ay natuwa ako. May nadagdag na namang salin para sa mas ikalilinaw ng pag-aaral ng salita ng Dios. Kaya, congratulations sa mga nagsalin at sa PBS.
P.S.
Bumili ako ng 4 copies. Para sa akin at ipangreregalo ko.
God bless
Anong gay language? Hindi mo ba ginagamit yung word na nashock? Grabe ka naman! OA lang.
Mas maganda nga kung may gay language (if ever man gay language ang nagamit) mantakin mo mas maiintindihan nila na ang Biblia pala ay para din sa mga gay kasi pati sila makakaunawa na sa Bible.. just sharing my opinion.
Hmmm, Sobrang kitid mo naman about words, so therefore If ako magsasalita sa harap mo ng NASHOCK ako sa kinoment ko edi BAKLA na din ako. Parang naging wala kang pinagaralan . Tell me who you are, wala bang time sa buhay mo na nagsalita ka ng NASHOCK or even your PASTOR. If wala well banned that world sa vocabularyo mo even when you speak english. tingnan natin kung ano ba talaga ang tinatawag na GAY LANGUAGE vs PAGSASALIN. AND JUST TO TELL YOU before you where born SHOCK is already there. The word SHOCK (english) was first used in 1590s pa po.
hi there, im not and have never been gay but i use “na-shock” quite liberally 🙂
That’s actually heterogenous language(pinagsamang english and filipino)
Nlt translates it as “I am shocked that you are turning away so soon from God, who called you to himself through the loving mercy of Christ…”
Sabi ng mga mentor ko… APPLICATION ang pinakamahalaga… DO NOT MERELY READ THE BOOK, AND SO DECEIVE YOURSELVES. DO WHAT IT SAYS.
Natupad na ang hula ng 1 Timoteo 4:1
Ang interpretasiyon mo po sa verse na ito ay hindi kumpleto at sinolo lang ang talata 1. Kung binasa mo rin po yung mga nauna at kasunod na bersikulo, yan ay mga tagubilin ni apostol Pablo kay Timoteo na isa sa mga mangangaral at siyang namamahala ng iglesia sa Efeso, na maging mabuti syang halimbawa sa mga tagasunod, na patuloy po siyang magsikap sa pagbabasa, pangangaral, at pagtuturo (ng Salita ng Diyos). Ang hula po na sinsabi ng Espiritu sa verse 1 tungkol sa aral ng demonyo ay hindi ang paggamit ng Pinoy Version na Taglish kundi ang kathang masasama at walang kabuluhan. Ang Pinoy Version po ay ang Salita ng Diyos pa rin at kailanman ay hindi naging kathang masama ang Salita ng Diyos. Iba-iba na po ang naging mga salin ng Biblia sa lahat ng wika sa mundo, at kung ibabase mo po sa pagkaunawa mo ng 1 Timoteo 4:1 ang salin ng Pinoy Version, edi lahat po ng ibang salin ay magmimistula nang aral ng demonyo. Imbes na makahikayat ng non-believer na magbasa ay lalong hindi magbabasa ng Salita ng Diyos sa ganyang interpretasiyon ng passage na yan.
1 Timoteo 4L7
“Datapuwa’t itakwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan.”
( binababoy nyo na ang Bibliya. . . dinadala nyo ang mga kabataan sa ibang landas. . .sorry po)
di mo naiintindihan sinasabe mo .
Ang pinakamahalaga ay maipaabot ang mensahe sa lahat sa anumang paraan. Wala akong nakikitang masama sa ginawang version na ito. Parehas naman ang ibig sabihin sa orihinal na Salin… wag maging legalistic
ng layunin po ng bibliyang ito ay hindi itaguyod ang wikang Filipino. Ang layunin po ng bibliyang ito ay maipalaganap ang Salita ng Diyos, ang maipaabot ito sa mga kabataan o taong walang pasensya magbasa at umintindi ng malalim na Tagalog. Ang problemang nais solusyonan ng bibliyang ito ay hindi ang kakulangan ng kaalaman sa wikang Filipino kundi ang kakulangan ng kaalaman at interes sa bibliya. Kung puro, sagrado at matalinhagang bersyon po ng bibliya ang hanap, napakarami pong salin na pwede pagpilian (https://en.wikipedia.org/wiki/Bible_translations_into_the_languages_of_the_Philippines)
Thumbs up!!!
Wala namang masama na isalin sa Tag-lish ang Bible, basta’t hindi nawawala ang tamang mensahe nito. Dapat namang mailapit sa mga kabataan ang Bible, pero hindi naman sa paraang hip-hop o para lang mag-entertain. Ang Bibliya ay sagrado at ang mga mahahalagang aral na dapat matutuhan nating lahat ay hindi dapat masapawan ng mga salitang kanto o ng popular na mga katawagan, dahil baka dumating ang araw na magkaroon tayo ng Bibliyang tayo mismo ang gumawa. Tandaan, ang Bibliya ay Salita ng Diyos, hindi ng tao.
Simple lang po yan, gamitin nyo yung paborito nyong version then kung makatulong ang bagong version na ito para mas maipaliwanag nyo sa kabataan yung nais tukuyin e ‘di gamitin nyo. Kahit naman kasi yung TAB ang gamit mong version pag isinyer mo naman yan sa iba hinahanapan parin ng salitang mas makakapagpaliwanag e maliban na lang na huwag mo ng ipaliwanag at basahin nalang, at isa pa kung gusto nyo talaga ng original yun nalang Greek at Hebrew originals ang gamitin, wala naman pong pilitan yan e. Salamat po PBS 🙂 wala pa bang app yan?
Maganda basahin lalo na sa panahon ngayon. madaling maiintindihan at okay lang nman dahil pareho lang nman ang ibig sabihin sa original. Kung hindi sure sa translation samahan ng KJV para may cross references. Sa mga matatandang conservative huwag na sila gumamit, di nman sapilitan kung hindi sanay sa ganyang salita. Huwag nman nila ipagkait sa iba na gusto matuto sa mas malapit na Salita ng Diyos.
The Pinoy Version of the New Testament was published with the intention and purpose of reaching out to the non-readers, to make them become interested in reading the bible. This version is not for those who are already “in the know of the bible”. Let us not trivialize matters and demand that it will stick to its original version. Remember that the original version of the New Testament was originally written in Greek and if it was not because of translation to a more understandable language, we could have not received and understood the bible now. Even the KJV had to be retranslated to modern English because of the limited vocabulary of the Old English Version.
What is important is that there is an available version for the level of understanding of the target readers, which of course are the millenials who are non-bible readers. This version is not really for the bible-readers, the elect, theologians and those professing to be theologians (pun intended) though they are very much welcome to read it as well. As Scripture indicates in 1 Cor 3: 2, “I gave you milk, not solid food, for you were not yet ready for it. Indeed, you are still not ready.”, this is exactly what spiritual milk is all about.
As long as the Pinoy Version NT sticks to the contextual meaning if the Scripture as they are originally written in Greek, the value of its hermeneutics and exegesis will still be the same.
There will always be the KJV or the NKJV or the 1984 NIV as the version closest translation to the original as the final reference. So we can always refer to these versions as the gold standard of the translated versions. -ptr. Mark Libunao
Tama ka
Ang Biblia ay “puro” at “sagrado”. Kaya sana, kung puro ang mensahe, puro rin ang wika. Nagmumukha kasing marumi o hindi kaaya-aya na ang Biblia ay maisalin sa isang wikang hindi opisyal, o hindi pinagtibay, na ito nga ang “taglish”. Lahat ng talinghaga, nawalan ng saysay, ang mga malalalim na mensahe na may malalim ring pakahulugan, nawalan na ng kulay. “Nashock ako”? Ginagamit daw ng kapitbahay at jeepney drivers. Baka nagkakamali ng titulo ang saling ito. Ito ay hindi Pinoy Version. Salitang Pinoy pa lang, “Filipino” na dapat. Ito ay Maarte version, o di kaya’y, mga tagalungsod version. Dahil sinasalamin ng salitang “Pinoy” ang lahat ng mamamayang Pilipino, at sa palagay ko’y hindi lahat ng mga Pilipino ay ganito ang uri ng pananalita. 🙂 Ang dahilan daw ng pagsasakatuparan nito ay upang mas madaling maunawaan ng mga kabataan ang biblia dahil hindi na sila pamilyar sa malalim na Filipino. Pero pinalala lang ng saling ito. Bakit? Dahil imbes na solusyunan, sinakyan ng organisasyon ang problemang kinakaharap ng mga kabataan. Hindi ba mas nararapat na kung ang mga kabataan ay hirap sa malalim na Filipino ay lalo pa nating tangkilikin ang sariling wika upang di ito mawala? Hindi mas dapat na ipalaganap ang paggamit ng purong wikang Filipino upang ito ay manatili sa bibig ng mga kabataan? Lalo lang itinulak ng bersiyong ito ng Biblia ang mga kabataan sa pagkalimot sa wikang ipinaglaban ni Gat Jose Rizal.
Magandang Araw Po
Tama po ang mga punto niyo. Ngunit ang layunin po ng bibliyang ito ay hindi itaguyod ang wikang Filipino. Ang layunin po ng bibliyang ito ay maipalaganap ang Salita ng Diyos, ang maipaabot ito sa mga kabataan o taong walang pasensya magbasa at umintindi ng malalim na Tagalog. Ang problemang nais solusyonan ng bibliyang ito ay hindi ang kakulangan ng kaalaman sa wikang Filipino kundi ang kakulangan ng kaalaman at interes sa bibliya. Kung puro, sagrado at matalinhagang bersyon po ng bibliya ang hanap, napakarami pong salin na pwede pagpilian (https://en.wikipedia.org/wiki/Bible_translations_into_the_languages_of_the_Philippines) 🙂
Dami mong alam edi wag mo basahin at bilhin
We are talking about bible men….
You don’t know what your taking about. The new testament was written in Greek but in the colloquial manner. Pang masa at salitang kalye noong panahon na iyon. Aral aral din pag may time. Hindi yung comment ng wala namang alam.
Look after your words. Baka po ikaw ang walang alam. 🙂 Yung bang mga salitang kalye na tinutukoy mong nasa Greek manuscripts may halong ibang wika the same as Taglish? Colloquial siya but PURE GREEK. Yan po ang issue. Nagkaroon ba ng Greek-English noon? O kaya’y Hebrew-English na salin? Kung mayroon sa panahon ng pagkasulat ng Biblia ay tiyak walang problema. Saan sa biblia nakalagay ang Yeshua “Christ”? O kaya’y Adonai “God”? Shalom means peace in Hebrew. Have you read “Shalom be with you?” Oo, may mga salitang kalye pero ang usapan ay WIKA at hindi uri ng salita. Mayroon kasing iba’t ibang uri iyan kaibigan. 🙂 May Pormal at di pormal. Ang di pormal ay ang mga salitang balbal, kolokyal, atbp. Kung sabihin kong “siya ay matitigok,” that’s FILIPINO kahit na salitang kalye yan puro yan, Pero kung sabihin kong “siya’y madedeads,” that’s very INFORMAL. Walang saling Greeklish so don’t translate it to Taglish. Ang translation dapat ay PURE to PURE. To keep the sacredness.
Wag masyadong porma kapatid. Maraming mga Hindi Kristian ang nagustuhan ito. Tyaka, kung makikipag salita ka ba sa Dios doon ka sa Formal na wika mo Siya kakausapin? O kakausapin mo Sya ayon sa puso mo?
Tyaka, inaral yan ng mga Bible scholars. Hindi lang puro basta banat na lang ng banat yang mga yan. Pasalamat pa nga tayo na meron ganyan kasi pwede ka naman mang mamili nan ibang babasahin eh. Kung babasahin mo o hindi at least na bigyan ng bagong option ang mga taong gustong namnamin ang salita ng Dios at intindihin ang Salita ng Dios. Lalawakan mo lang ang isip mo kapatid. Although hangarin mong gawing talaga na respituhin ang Bible. Pero nareresperto ba ang bible kung iilan lang ang mas makakaintindi dahil sa iba sobrang boring basahin? Wag masyadong “Smart Alecks” . Kasi nagiging kagaya ka ng mga Pharisee at Saducce na mga Hipokrito.
Tyaka yang mga banat na salita mo. Di talaga pang Kristyano. Hula ko INC ka o ibang Sekta na nabibilang sa mga hindi align ang ang turo ng Dios. Kasi dapat maiintindihan mo yan na makakatulong ito sa mga taong gustong i-embrace ang Bible pero walang nagtuturo sa kanya. Nakikita sa bunga mo na walang kang Holy Spirit kaya kung ako sayo kapatid suriin mo ang aral na napapakingan mo.
Nice para maintindihan naman
I look into the heart. Your intentions into coming up with this shows what God commands us to do, i.e. to share the good news. I will do everything I could to reach out to a single lost soul. God can use any tool. He’s all powerful after all. What can limit His great powers? I want to commend those who worked on this. Kahit anong paraan ng pagpapalaganap ng salita. Hindi naman ito makasalanang paraan. Isa itong pagsunod sa “Great Commission”. Phillipians 1:15-18 ” ….what does it matter? I the important thing is that in every way, whether from false motives or true, Christ is preached.”
Pinoy Version Bible is relatable, apt and digestible. Promise, irirecommend ko ito sa lahat ng mga christian youth at kahit na ang mga “not so youth”. Para po sa lahat ng mga “bumabaril” sa wittiness and creativity ng version na ‘to. Bigyan niyo po sana ito ng chance bago niyo i-judge. P. S. Di ko po ibig makipagpingkian ng galing at husay.
Sana po magkaroon na rin kayo ng Pinoy Version ng Old Testament para mas makarelate din po sa mga Salita ng Diyos sa mga naunang panahon bago ang kapanganakan ni Jesus. Ang mga wisdom books gaya ng Psalms, Proverbs, Ecclesiastes, etc. ay mas madali ring makakarelate, pati prophetic books ng majot and minor prophets. God bless you more, PBS!
Faithful po ito sa translation ng Greek Manuscripts. Period. The translation that was used here is both “formal”(word for word in original texts) and “dynamic” (thought of the word) in a bilingual manner. You could see it for yourself by comparing it to other English and FIlipino translations.
What matters most is that it never compromised any word from the original texts and translated to a heterogenous language.
Nakakatuwang malaman na ang Salita ng Diyos ay lalo pang nakikilala. Hindi ito kayang sirain ninuman o di kaya ay kayang pigilan ninuman. Maraming gumawa na ng kaniya kaniyang *remarks dito pero ang punu’t dulo lang naman ay ang “Lenggwaheng ginamit”. HInd ba’t mas nakakatuwa na ung mga taong “ayaw” at “tamad na tamad” magbasa nito (Pasensya na po— reality) example: Kapag pinagtabi mo ang Magazine at Bible sigurado ako MAS unang kukuhanin ang Magazine para ito ay basahin. Ngayon ano ang gusto kong sabihin, Alam nating sagrado ang Bibliya subalit walang sinabi na “BAWAL” itong bigyan ng version katulad ng The Message at lalong lalo na ang NT Pinoy Version. Para sa akin, masusing pinag-aralan naman iyan at alam nating walang labis at walang kulang. Walang sinabing Hindi Diyos ang Diyos.. Walang binago walang sinira. Hindi lang siguro talaga tayo sanay na pwedeng isalin sa wika natin ang “BIBLIYA”. Hindi niyo ba alam? Mas maabot pa nito ang mga kabataan? Mas maaabot nito ang karamihan ng mga kabataang nagvvideo game ngayon atbp. maisasama na nila sa oras nila ang pagbabasa ng salita ng Diyos. Ngayon, kung iniisip natin na parang “Nawawala” na ang Holiness po nito, baka po tayo mismo ang naglalagay ng bible sa box. Makapangyarihan ang Diyos, at kayang kaya ng Diyos mangusap sa tao in anyway He can. Kung hindi pa iyon malinaw sa atin. Hindi po ba’t may animal (Donkey) sa Bible na ginamit ng Diyos para iparating ang salita niya?. MAKAPANGYARIHAN ANG SALITA NG DIYOS. At kung ito ay maisalin sa salita o sariling lenggwahe, dialect o anu pa man ng isang bansa sigurado ako. Kakausapin ng Holy Spirit ang sinumang lumapit sa kanya ng tunay, totoo. Let God be Glorified. PBS and all its Partners, You did a great job po. Patuloy lamang po tayong mabuhay sa ating Purpose. Thank you for doing this para mas marami pang kabataan ang maabot kahit anong age pwede naman din ito. Use other translation or Version if you want to use English, Aramaic and etc. It’s the same. THE BIBLE 🙂 TGBTG!
Add Comment