Philippine Bible Society

Back to School Battles: Advice for teachers, school personnel, family, and students

[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]

July 27, 2018

[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]

Sobra talagang busy kapag “back to school” season. Sobrang nakakaexcite diba? Manood lang kayo ng TV! Pinapakita na ulit sa commercials ang mga bagong produkto na pwedeng ipabaon sa mga bata. Naglalabasan din ang mga bookstores ng school supplies deals at promos. At siyempre! Hindi mawawala yung traditional flyers na nagaadvertise ng panibagong models ng backpacks at roller bags.

 

At ano pa ang pinag-uusapan? Diba mga class schedules, terror teachers, at bagong hang-out places?

 

Pero habang ang focus ay nasa mga estudyante, ang season na ito ay isang panahon nang malaking pagbabago para sa lahat.

 

FOR TEACHERS

 

Kung ikaw ay teacher at nababasa mo ito ngayon, huwag kang madiscourage. Ang school year na parating ay mahaba at for sure maraming pagsubok. Pero! Sigurado na ang katapusan ng iyong journey ay fulfilling at worth it. Kumapit lang sa Panginoon at sa Kaniyang Salita. At habang nagbibigay ka ng oras para sa lecture planning, quiz grading, at paper checking mo, alalahanin mo na si God ay palaging nasa tabi mo. Maganda rin na magoffer ka ng time para magdevotion at magbasa ng Bible.

 

[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]
[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]

FOR SCHOOL PERSONNEL

 

Maraming oras kung kelan matetest ka ngayon. At kung school personnel ka at nababasa mo ito, gusto namin ipaalala na maging matatag ka. Huwag kang bumitaw sa yakap at promises ni Lord. May times na pwede kang mainis, ma-iritate, pero huwag kang bibigay. Pabayaan mong ma-fill ka ng peace ng Panginoon at ma-form ka para maging patient at understanding. At paano mong makakamit ang peace na ito? Of course, magbasa ka ng Biblia!

 
 

FOR FAMILY

 

Kung ikaw ay isang family member na nakakabasa nito ngayon, don’t worry. Maraming angels si Lord na pwedeng magbantay sa iyong mga kids. Basahin mo ang Biblia sa araw-araw and discover ang mighty power ni God. Kung dati ikaw ay matatakutin at worry-wart, ang pagbasa ng Biblia ay makakatulong sa iyong buhay. Mag-invest ka ng oras sa pag-aral ng Magandang Balita, hindi ka magsisisi.

 
 

[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]
[siteorigin_widget class=”SiteOrigin_Widget_Image_Widget”][/siteorigin_widget]

FOR STUDENTS

 

Kung estudyante ka at nababasa mo ito ngayon, ang prayer namin ay huwag kang ma-stress. Easy lang tayo at mag-improve ng time management skills. Isama na sa imamanage ang pagbasa ng Bible. Ang Salita ng Diyos ay ang mag-rereveal sa iyo na mahal ka ni Lord. Pwede mong i-lift ang lahat ng bigat ng iyong puso sa Kaniya. At habang sinisimulan mo ang iyong paglakbay sa taon na ito, maging secure ka sa fact na may Father in Heaven na nag-aalaga at nagbabantay sa bawat kilos mo.

 
 

O diba? Marami tayong battles na kailangan i-overcome. Sa mga guro, laban lang para mamaintain ang energy at joy. Sa school personnel, dapat calm at patience ang goal. Sa mga family members, kailangan ng masmaraming trust at less worry. At sa mga estudyante, hanapin ang security kay Lord.

 

Lahat ay siguradong mapapagod. Mapagod ka man sa workload or sa kaka-worry, ang katapat lang niyan ay ang Bible.

 

Ang Biblia ay ang ating panlaban at ang ating spiritual nourishment. Binigay ito ni Lord para siguraduhin na mananalo tayo sa mga battles na dadating sa ating buhay. Kahit gaano kalaki or liit ang challenge, ang Bible talaga at ang pagbasa nito ang tutulong sa atin para mairaos ang mga ganap sa buhay.

 
 

Add Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

I accept the Privacy Policy